DAHIL SA SELOS | Ginang, patay matapos pagsasaksakin ng live-in partner

33

General Santos City – Patay ang isang ginang matapos tadtarin ng saksak ng kaniyang live-in partner sa Espina farm, Barangay Labangal, General Santos City.

Nakilala ang biktima na si Carlita Calonsog, 44-anyos habang ang suspek ay si Jolito Deserafuentes, 34-anyos, isang tricycle driver.

25 saksak sa kanyang kaliwang kamay at bahagi ng tiyan ang nakuha ng ginang kung saan nakakulong naman ang suspek na kaagad isinuko ng kaniyang ina.

Sa ngayon, inaalam pa ng mga otoridad ang motibo ng insidente pero hinala nila na selos ang dahilan kung bakit nagawa ng suspek na patayin ang ginang.

Facebook Comments