COMELEC CHECKPOINT SA ILAGAN, PATULOY NA IPINATUTUPAD PARA SA LIGTAS NA HALALAN

CAUAYAN CITY- Patuloy ang mahigpit na pagpapatupad ng Comelec Checkpoint sa Lungsod ng Ilagan bilang bahagi ng paghahanda para sa nalalapit na halalan.

Sa panayam ng IFM News Team, sinabi ni Chief Investigation Police Major Junneil Perez na mahigpit na ipinapatupad ng Ilagan City Component Police Station ang Comelec Gun Ban, kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang pagbyahe o pagdadala ng baril sa lansangan.

Ayon kay Police Major Perez, kaakibat ng kanilang hanay ang Comelec at ang komunidad sa pagsigurong magiging ligtas at mapayapa ang eleksyon.


Nagpaalala rin siya sa mga botante na maging mapanuri at pumili ng mga susunod na lider na may malasakit at katapatan sa paglilingkod sa bayan.

Facebook Comments