Senator De Lima, 2 araw na lalabas sa kulungan para magpa-check-up

265

Nakatakdang lumabas saglit ng Philippine National Police (PNP) custodial center si Senator Leila de Lima, upang sumailalim sa general medical check-up sa Manila Doctors Hospital mula bukas, Abril 5 hanggang Abril 6 at hindi lalagpas ng 48 oras.

Ito ay makaraang pumayag si Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC) Branch 256 Judge Romeo Buenaventura sa hiling ng kampo ni De Lima na sya ay sumailalim sa medikal na pagsusuri batay sa rekomendasyon ng kanyang mga doktor.

Nagpasalamat naman si De Lima sa hukom at humingi rin ito ng panalangin na nawa’y ligtas siya at walang nararamdamang sakit.


Nitong 2018, ay nakitaan ng “liver mass” si De Lima na lumabas sa pagsusuri na benign.

Kaugnay nito ay inirekomenda ng kanyang mga doktor na regular siyang sumailalim sa medical check-up bawat taon para matiyak ang maayos niyang kondisyon.

Facebook Comments