Naghatid ng saya at pag-asa ang San Carlos City Library sa mga evacuee mula sa Barangay Aponit at Barangay Guelew na naapektuhan ng pagbahang naganap kamakailan.
Isinagawa ng San Carlos City Library ang storytelling at feeding activity para sa mga evacuee, na naging pagkakataon upang pansamantalang maibsan ang kanilang pinagdaraanan matapos ang pagbaha.
Bukod sa pagbabahagi ng mga kuwento at pagkain, naging bahagi rin ng aktibidad ang pagbibigay ng oras at pakikinig sa mga evacuee.
Sa kabila ng takot, pangamba at mga pagkaluging dulot ng baha, naibahagi pa rin ng mga evacuee ang kanilang mga ngiti at tawanan habang nakikilahok sa aktibidad.
Layunin ng programa na makapagbigay ng kahit maikling pahinga mula sa mga suliraning kanilang nararanasan at maipadama na hindi sila nag-iisa sa panahon ng kalamidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










