SENIOR HIGH SCHOOL STUDENTS SA ALAMINOS CITY, SUMAILALIM SA ROAD SAFETY ORIENTATION

Sumailalim sa road safety orientation ang mga Senior High School students ng Colegio San Jose de Alaminos o CSJA sa isinagawang Capability Development Orientation on Road and Local Public Transport Safety noong September 2, 2026 sa Alaminos City, Pangasinan.

‎Pinangunahan ng City Transportation Regulation Unit o CTRU ang aktibidad.

‎Tinalakay sa orientation ang mga pangunahing usapin ukol sa road safety, traffic rules at wastong paggamit ng pampublikong transportasyon.

‎Layunin nitong mahubog ang mga estudyante bilang disiplinado at responsableng road users na may sapat na kaalaman sa pagsunod sa mga alituntunin sa kalsada.

‎Patuloy naman ang CTRU sa pakikipagtulungan sa mga paaralan at komunidad upang maisulong ang mas ligtas na mga kalsada at paglalakbay sa Alaminos City. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments