San Miguel Beermen, pasok na rin sa championship ng 2022 PBA Philippine Cup at makakaharap ang TNT Tropang Giga

Pasok na rin ang San Miguel Beermen (SMB) sa 2022 PBA Philippine Cup Finals kung saan hahamunin nila sa championship series ang TNT Tropang Giga.

Pinabagsak ng Beermen ang Meralco Bolts, 100-89, sa ‘winner-take-all’ Game 7 ng kanilang semifinals showdown para umabante sa Finals kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Pinangunahan ng 6-time PBA MVP na si June Mar Fajardo ang laro nang makapagtala ng 29 points at 14 rebounds habang nagdagdag naman si CJ Perez ng 19 points at 9 assist.


Dahil sa pagkapanalo, ito na ang ika-43 Finals appearance ng Beermen na target makuha ang kanilang pang-28 na champion title.

Magsisimula ang bakbakan ng San Miguel at Talk ‘N text para sa championship title sa Linggo, Agosto 21, sa Big Dome.

Facebook Comments