Vice Ganda, nagsalita na sa isyung hiwalay na sila ng asawang si Ion Perez

Nagsalita na ang Unkabogable Phenomenal Star na si Vice Ganda tungkol sa kumakalat na tsismis na hiwalay na sila ng asawang si Ion Perez.

Sa episode ng noontime show na “It’s Showtime” kahapon, kung saan host si Vice at Ion, tinanggi ng comedy superstar na hiwalay na sila.

Aniya, hindi lang sila spotted na magkasama dahil anim na araw si Perez sa Japan kasama ang kanyang pamilya habang si Vice naman ay pumunta sa Bohol upang magbakasyon.


Dagdag pa niya, ang desisyon nilang magbakasyon ng hiwalay kasama ang kani-kanilang pamilya ay ang daan nila para ‘balansehin’ ang kanilang relasyon dahil madalas silang magkasama.

Bwelta ni Vice sa mga tismosa, na wag gumawa ng tsismis dahil aniya masaya sila ni Ion sa kanilang relasyon.

Nagsimulang mag-date si Vice Ganda at Ion Perez noong 2019 at nagpakasal ang dalawa sa Las Vegas noon lamang Oktubre nang nakaraang taon.

Facebook Comments