Ayon kay Manaoag Mayor Jeremy Agerico Rosario, LMP Pangasinan President, isa sa mga hamon ng mga paaralan ang hindi magkakaparehong lagay ng panahon sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan.
Aniya, may mga pagkakataong napipilitan ang ilang lugar na magsuspinde ng klase kahit hindi naman gaanong apektado ng pag-ulan o kalamidad ang kanilang nasasakupan.
Dahil dito, naaantala ang regular na academic schedule at nahihirapan ang mga estudyante na makasabay sa kanilang mga aralin.
Samantala, nauunawaan naman ng ilang magulang ang pangangailangang makahabol ang mga estudyante sa kanilang lessons, ngunit iginiit na dapat pa ring isaalang-alang ang sitwasyon ng bawat pamilya.
Partikular dito ang mga mag-aaral na nagmumula sa mga lugar na hanggang ngayon ay apektado pa rin ng baha.
Ayon kay Maria Arenas, mahalagang mabigyan ng konsiderasyon ang kalagayan ng mga estudyante bago sila pabalikin sa paaralan.
Gaya ng ilang pamilya na nananatiling lubog sa baha ang mga kabahayan, hindi lamang pag-aaral ang kanilang kailangang harapin kundi maging ang kaligtasan at pang-araw-araw na pangangailangan.
Kaya naman, habang isinusulong ang mga hakbang upang makahabol sa naantalang mga aralin, nananatiling mahalaga ang koordinasyon ng mga paaralan at magulang sa pagpapasya kung ligtas nang pumasok ang mga estudyante.
Sa huli, iginiit na hindi dapat isakripisyo ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa hangaring habulin ang naantalang academic schedule. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








