SCHOOL INFRASTRUCTURE AT STUDENT WELFARE SA PANGASINAN, PATULOY NA PINALALAKAS

Sinisikap pa rin hanggang ngayon na matugunan ang mga pangangailangang imprastraktura sa mga paaralan at pag-papaangat pa sa kapakanan ng mga mag-aaral sa lalawigan ng Pangasinan. ‎

Ayon kay kasalukuyang Chairman Committee on Education, Vice Governor Mark Lambino, sentro umano ng pamahalaang panlalawigan pagdating sa usaping pang-edukasyon ay nakatuon lamang sa epektibo at pang-matagalang solusyon na makatutulong sa pag-angat ng edukasyon sa lalawigan. ‎ ‎

Isa sa ipinunto nito ay ang patuloy na suporta sa kapakanan ng mga estudyante tulad ng mga atleta sa larangan ng sports pati na rin sa mga imprastraktura. ‎ ‎

Patuloy umano silang naghahanap ng internal o external support para mapunan ang pangangailangang imprastraktura ng mga paaralan tulad ng mga silid aralan at iba lang pasilidad.

‎Sa kabilang banda, nagkaroon ng shift sa academic calendar kung saan inagahan ang pagbubukas ng klase, ayon na rin sa direktiba ng nasyonal na gobyerno. ‎ ‎

Marami na rin sa mga paaralan sa lalawigan ang nag-umpisa ng kanilang aktibidad ng palilinis at pagsasaayos para sa Ligtas Eskwela sa nalalapit na pagbubukas ng pasukan. ‎ | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments