NAPIKON | Muslim, patay matapos barilin ng kapwa nito muslim sa Tondo, Maynila

Manila, Philippines – Patay ang isang muslim matapos barilin ng kapwa nito muslim sa Baseco Compound sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Tamil Abong habang ang suspek na naaaresto ay si Taher Pando.

Naganap ang insidente sa Block 5 Habitat Compound kung saan ininsulto ng biktima ang suspek hanggang sa mauwi ang dalawa sa suntukan.


Matapos ang insidente, pumunta ang biktima sa Baseco PCP upang magreklamo kung saan sinabihan ito ng desk officer na magpa-medical muna sa Gat Andres Hospital.

Pero pagbalik ng biktima sa kanilang bahay ay dito na siya binaril ng suspek.

Nasakote naman ang suspek habang nag-aabang ito ng sasakyan para makatakas.

Facebook Comments