Self-confessed gunman sa Percy Lapid killing, humirit sa Las Piñas RTC na ibaba sa homicide ang kanyang kaso

Naghain ng motion to plea-bargain sa Las Piñas RTC si Joel Escorial, ang self-confessed gunman sa pagpatay kay radio commentator Percy Lapid.

Sa kanyang mosyon sa Las Piñas RTC Br. 254, hiniling ni Escorial na payagan siyang makapag-plea ng guilty para maibaba sa kasong homicide ang kanyang murder case.

Tatlo pang gang leaders ang naghain ng guilty plea bilang accessories sa krimen.


Ang motion to plea-bargain ni Escorial ay de-desisyunan pa ng Korte at ng Prosecutor-General.

Bukod kay Escorial, nahaharap din sa kasong murder si dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag at ilan pang respondents.

Facebook Comments