
Nagkasundo ang Senado at Kamara na idaos na sa October 13 ang unang BARMM Elections sa bansa.
Sa katatapos na Bicameral Conference Committee na ginanap dito sa Senado, sinabi ni Senate President Chiz Escudero na pumayag ang Kamara na i-adopt ang limang buwan na pagpapaliban sa unang BARMM Elections na gaganapin sa buwan na ng Oktubre 2025.
Inaasahang mararatipikahan na mamayang hapon sa plenaryo ng Senado at Kamara ang panukalang BARMM Election postponement.
Nilinaw sa kanilang bicam meeting na automated ang gaganaping BARMM elections.
Pagkatapos maratipikahan ay isusumite na ito sa executive para malagdaan na ni Pangulong Bongbong Marcos.
Paliwanag pa ni Escudero, isinusulong ang limang buwan na pagpapaliban sa halalan sa BARMM dahil bukod sa nahiwalay ang Suku sa BARMM ay ninipis din ang security forces at nais matiyak ng mga mambabatas na magiging malinis, kapani-paniwala at mapayapa ang kauna-unahang BARMM elections.