
Naniniwala ang Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na ang pagdeklara ng Food Security Emergency ay isang direktang pag-amin ng pamahalaan na walang naitulong ang Executive Order no. 62 sa pagpapababa sa presyo ng bigas.
Iginiit ng SINAG na panahon na para bawiin ang EO no. 62 dahil hindi nakinabang ang consumers sa natipid na ₱16 billion ng importer-traders sa tariff reduction.
Sa halip, ayon sa SINAG, gamitin ang karagdagang revenues upang pondohan ang mga intervention sa mga local rice farmers.
Ayon sa grupo, kung maglalaan ng P16-B sa 1.5 milyong ektarya ng mga lupain na taniman ng palay, mababawasan ang gastos sa produksyon ng palay ng ₱2.90/kilo na katumbas ng ₱5/kilo na kabawasan sa presyo ng lokal na bigas.
Inirekomenda rin ng SINAG na habulin ang agri-profiteers at papanagutin sa ilalim ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Law.