
Bumuo na ng Special Investigation Task Group “Vice Mayor Samama” ang Police Regional Office Bangsamoro upang matiyak ang mabilis na pagbibigay ng hustisya sa pamamaril kay Vice Mayor Mohammad Omar Samama nitong Lunes.
Ayon kay PRO BAR Regional Director BGen. Romeo Macapaz, tututok ang SITG sa pangangalap ng mga impormasyon na magbibigay daan para maresolba ang kaso at matukoy ang mga responsable sa insidente.
Inatasan na rin ni Macapaz ang Maguindanao del Sur Police Provincial Office, katuwang ang Datu Piang MPS, upang magsagawa ng masusing imbestigasyon at intelligence-driven operations kasama ang militar.
Kasunod nito, hinikayat ng PRO-BAR ang publiko na agad ipagbigay-alam sa pulisya kung may nalalamang impormasyon na maaaring makatulong sa imbestigasyon.