
Marami pang dapat na pag-usapan ang mga senador tungkol sa isasagawang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte oras na magbalik sesyon.
Ngayong tapos na ang halalan ay susunod na magiging abala ang mga senador sa impeachment process na sisimulan sa pagbabalik sesyon sa Hunyo.
Ayon kay Senator Joel Villanueva, nakatakdang simulan ang proseso sa pagbubukas ng sesyon pero ito ay uumpisahan muna sa paglalatag ng “rules of impeachment”.
Gayunman, hindi na magiging bahagi ng paglilitis ang mga graduating na senador habang papasok naman ang mga bagong senador na siyang susukatan naman ng mga robes dahil ang mga nanalo ngayong halalan ang siyang uupong senator judge ng impeachment court.
Sa kabilang banda, mahalaga at batid naman ng mga senador na nagkakasundo sila na sisimulan ang trial kapag nakumpleto na ang mga bubuo sa impeachment court at kapag natapos na nila ang rules para sa impeachment.