Early proclamations ng mga nanalong senador, hiniling ni Rep. Marcoleta

Hiniling ni Sagip Party-list Representative Rodante Marcoleta na maagang iproklama ang mga kandidato sa pagkasenador, kasama siya, na nangunguna sa bilangan ng boto kaugnay sa katatapos na midterm elections.

Nakasaad ito sa manifestation and urgent omnibus motion na inihain ni Marcoleta at ng Sagip Party-list sa Commission on Elections (COMELEC) na siyang umaakto bilang national board of canvassers.

Sa nagpapatuloy na bilangan ay pang-anim si Marcoleta sa mga kandidato may pinakamataas na nakuhang boto.

Nakasaad sa manifestation ni Marcoleta na umaabot na sa mahigit 97.23% ng mga election returns ang nai-transmit kaya malabo nang maapektuhan pa ang standing ng anim na senatorial candidates na angat sa bilangan.

Nakapaloob din sa manifestation ang kahilingan na ipaliwanag ng Comelec o national board of canvassers kung bakit may mga discrepancies o duplication ng partial/unofficial votes.

Facebook Comments