Senado, umapela sa gobyerno at sa MILF na patuloy na igalang ang peace agreement

Umapela si Senator Lito Lapid sa pamahalaan at sa armadong grupo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na patuloy na igalang ang usapang pangkapayapaan.

Ang panawagan ng senador ay matapos ang pananambang na ginawa ng Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF), ang armadong grupo ng MILF, sa mga sundalo ng 32nd Infantry Battalion sa Basilan kung saan dalawang sundalo ang nasawi.

Hiling ni Lapid na patuloy na irespeto ang peace agreement at panatilihin ang kapayapaan sa lalawigan.


Nagpaabot din ng pakikiramay at tulong si Lapid sa pamilya ng dalawang sundalong nasawi sa kaguluhan.

Iginiit ng mambabatas na hindi dapat malimutan ang katapatan at kagitingan ng mga sundalong hanggang sa huli ay naglingkod sa bayan.

Facebook Comments