Senior citizen vaccination day, isasagawa bukas sa Metro Manila

56

Magsasagawa senior citizen vaccination day sa Metro Manila bukas, Enero 6.

Ayon sa Department of Health – National Capital Region (DOH-NCR), ito ay upang mabigyan ng pagkakataon ang mga unvaccinated senior citizens na magpabakuna na.

Malaking bagay anila ito lalo na’t ang mga ito ay kabilang sa vulnerable sector.


Sa ngayon, nasa higit 52,000 senior citizens pa sa NCR ang hindi pa bakunado kontra COVID-19.

Samantala, aabot naman sa 763,000 seniors sa kalakhang Maynila ang kwalipikado na para sa COVID-19 booster shots.

Facebook Comments