Shooting incident, naitala sa Gate 3 ng Ateneo de Manila University

893

Kinumpirma ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na isang insidente ng pamamaril ang naganap sa Gate 3 ng Ateneo de Manila University sa Quezon City.

Ayon sa MMDA, agad ding nagtungo sa lugar ang mga tauhan ng Philippine National Police upang rumesponde sa insidente.

Nangyari ito sa kalagitnaan ng graduation ceremony sa Ateneo Law School kung saan nakatakdang magtalumpati si Chief Justice Alexander Gesmundo.


Sinabi naman ni Supreme Court spokesperson Brian Hosaka na papunta pa lamang ang Punong Mahistrado nang mangyari ang insidente kung kaya’t agad din siyang pinabalik at nasa ligtas na kalagayan.

Facebook Comments