Live From The Field

COMMISSIONER AT CUSTOMER NA FOREIGNER ARESTADO MATAPOS MAAKTUHAN AT MAKUHAAN NG ILLEGAL NA DROGA BORACAY Malay, Aklan – Arestado ng mga otoridad ang isang commissioner at kustomer nitong foreigner sa front beach ng barangay Balabag, Boracay matapos maaktohan ang illegal na transaksyon at makuhaan ng iligal na droga. Ang suspek ay kinilalang si Rosilito, Posadas, 48-anyos ng Brgy. Napaan, Malay, Aklan at ang kustomer nitong Polish national na si Dustin Witkiewicz na nagbabakasyon lamang sa isla Ayon kay PLt.Col. Dainis Amuguis, hepe ng Malay PNP, ay nahuli sa akto ng mga miyembro ng Malay PNP ang ilegal na transaksyon ng dalawa sa iligal na droga habang nagpapatrolya ang mga ito sa front beach. Nakuha kay Posadas ang tatlong gramo ng suspected shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P20, 400 at apat na tableta ng hinihinalang party drugs na tinatayang nasa P6, 800 ang halaga nito. Si Posadas ay dati na ring surrenderee at ayon sa kanya ay mga peke lamang ang kanyang ibinibenta pero ayon kay PLT. Col. Amuguis ay subject pa rin ito sa forensic laboratory. Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Malay PNP ang dalawa at mahaharap sa karampatang kaso.
Facebook Comments