San Miguel Beermen, wagi kontra Converge FiberXers sa nagpapatuloy 2022 PBA Philippine Cup

59

Nakabawi ang San Miguel Beermen matapos talunin ang Converge FiberVers, 111-92, sa 2022 PBA Philippine Cup na ginanap sa Ynares Center sa Antipolo City kagabi.

Nagpakitang gilas sa kanyang triple double performance si CJ Perez na siya ring nanguna sa panalo ng Beermen na kumamada ng 15 points, 13 rebounds at 12 assists.

Nag-ambag naman ng 22 na puntos si Jericho Cruz; 19 points si Mo Tautuaa at 18 points si June Mar Fajardo.


Habang hindi nakalaro sa beermen sina Chris Ross, Vic Manuel at Terrence Romeo.

Ito na ang ikaapat na panalo ng SMB sa limang laro nito sa All-Filipino Conference.

Dahil dito, tabla na ang Beermen at Barangay Ginebra sa top spot.



Sunod na kakalabanin ng Beermen sa Miyerkules ang Rain or Shine habang maghaharap sa Biyernes ang Barangay Ginebra at Converge.

Facebook Comments