SINGIL SA KURYENTE NG DECORP, BUMABA NG ₱1.63/KWH NGAYONG SETYEMBRE

May ginhawa sa singil sa kuryente ang mga konsumer sa sakop ng Dagupan Electric Corporation o DECORP ngayong Setyembre.

₱1.63 bawat kilowatt-hour ang ibinaba ng singil sa kuryente, kung saan mula sa ₱12.59/kWh noong Agosto ay nasa ₱10.96/kWh na lamang ang kasalukuyang average selling rate.

Ayon kay Randy Castilan, Chief Operating Officer ng DECORP, nakatulong sa pagbaba ng singil ang pagbaba ng demand sa kuryente noong Agosto, na iniugnay sa patuloy na pag-ulan.

Samantala, hindi pa raw kasama sa Setyembre electric bill ang epekto ng pagtaas ng presyo ng gasolina.

Ayon kay Castilan, posibleng sa billing period ng Nobyembre pa maramdaman ang epekto ng pagtaas ng presyo ng gasolina na nangyari ngayong Setyembre.

Sa kasalukuyan, nananatiling pinakamababa ang singil sa kuryente ng DECORP kumpara sa ibang electric cooperatives at utilities sa Pangasinan, ayon sa ibinigay na detalye ng kumpanya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments