DPWH, SINURI ANG DRAINAGE SYSTEM SA BAUTISTA; MGA HAKBANG KONTRA BAHA, TINALAKAY

Sinuri ng Department of Public Works and Highways o DPWH Region I ang drainage system sa bayan ng Bautista, Pangasinan, bilang bahagi ng pagtukoy sa mga posibleng hakbang upang matugunan ang problema sa pagbaha.

Sa isinagawang pulong kasama si Bautista Mayor Rosemarie G. Gacutan at mga opisyal ng DPWH, tinalakay ang kasalukuyang kondisyon ng drainage system sa bayan, kabilang ang mga lugar na nangangailangan ng agarang atensyon dahil sa pagbaha.

Ayon sa lokal na pamahalaan, isinasagawa ang pagpaplano para sa mas masusing assessment sa drainage system upang matukoy ang mga kinakailangang improvement o intervention.

Ang mga susunod na hakbang ay ibabatay sa magiging resulta ng isasagawang assessment.

Dumalo rin sa pulong ang ilang engineers mula sa DPWH Region I. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments