Pinalalakas ng pamahalaang panlalawigan ng pangasinan ang suporta nito sa larangan ng palakasan sa pamamagitan ng planong pagpapatayo ng ibat ibang sports court sa capital complex.
Sa katatapos na Tour de Pangasinan: Padyak sa Kalayaan 2026, muling binigyang-diin ng pamahalaang panlalawigan ang kahalagahan ng sports bilang bahagi ng kampanya para sa mas malusog na pamumuhay at positibong aktibidad para sa kabataan.
Ayon kay Governor Ramon V. Guico III, isa sa mga nakikitang epektibong paraan upang mailayo ang mga kabataan sa droga at iba pang hindi kanais-nais na gawain ang aktibong pakikilahok sa mga programang pampalakasan.
Layunin nito na mahikayat ang mga kabataan na maging mas aktibo sa palakasan, mapabuti ang kanilang kalusugan, at maihanda ang mga Pangasinense sa mga kompetisyon at palaro sa iba’t ibang lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







