SISIHAN? | PRRD, sinisi si Trump sa pagsipa ng inflation rate sa Pinas

45

Jordan – Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na batid niya na tumaas ang inflation rate sa Pilipinas.

Sa pagsasalita ni Pangulong Duterte sa harap ng Filipino community sa Amman Jordan ay sinabi ng Pangulo na umaaksyon naman ang pamahalaan para makontrol ito.

Isinisi din naman ni Pangulong Duterte kay US President Donald Trump ang paggalaw ng mga presyo ng mga produkto sa buong mundo.

Paliwanag ng Pangulo, ito ang resulta ng pagpataw ng mataas na taripa ng US government sa mga produktong pumapasok sa kanilang bansa.

Samantala naging mainit naman ang pagtanggap ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Jordan kay Pangulong Duterte kung saan ipinakita ng mga ito ang kanilang buong suporta sa Pangulo.

Humigit kumulang 2000 OFWs ang pumunta sa Filipino community event na pinangunahan ni Pangulong Duterte at ng kanyang mga gabinete.

Facebook Comments