
Nilinaw ng Office of the Ombudsman na tinanggihang papasukin sa Senado ang kanilang kinatawan kahapon.
Dahil ito sa isyu ng security checkpoint, na naging dahilan upang hindi ito nakadalo sapagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na pinangunahan ng Cayetano bloc.
Ginawa ni Assistant Ombudsman Mico Clavano ang paglilinaw matapos punahin ni Sen. Rodante Marcoleta ang hindi pagpapadala ng Office of the Ombudsman ng kinatawan sa pagdinig sa kabila ng kanilang imbitasyon.
Ani Clavano, mayroon naman umanongg alok sa panig ng ilang Senate staff na papasukin ang Ombudsman representative bilang “guest” ng mga senador.
Pero, nang ang imbitasyon ay ipinadala sa Office of the Ombudsman, nagkaronn ng desisyon na hindi na ito ituloy dahil ang imbitasyon ay ipinadala ng Blue Ribbon Committee Secretariat at hindi ng isang partikular na Senador.
Sa nangyaring pagdinig ay nagbahagi ang tinaguriang “18 Marines” ng kanilang karanasan sa paghahatid ng kickback money sa ilang binanggit nilang mambabatas .










