
Hinihintay na lamang ni National Bureau of Investigation o NBI Director Melvin Matibag ang subpoena para humarap sa flood control hearing ng Senado.
Aniya, sa oras na padalhan siya ng subpoena ng ‘proper’ Blue Ribbon Committee ay agad siyang magpapakita sa hearing.
Kung maalala, kahapon sa ginawang umano’y hearing, inimbitahan ni Sen. Alan Cayetano ang NBI director na dumalo sa flood control hearing.
Ito ay para panumpaan ang impormasyon nitong sinuhulan ni dating Rep. Mike Defensor ang 18 ex-Marines para magsalita kaugnay ng flood control.
Kahapon, isiniwalat ni Matibag na may isang indibidwal na karelasyon ng isa sa Ex-marines ang nanumpa sa NBI hinggil sa umano’y panunuhol ni Defensor sa mga dating sundalo para humarap sa Senado.
Samantala, nagpatutsada rin ito sa pahayag ni Cayetano na umano’y ‘Marites’ remark tungkol sa kanya.
Ani Matibag, hindi naman talaga Marites ang kaniyang pangalan dahil pangbabae’t parang Petra aniya ito.










