BONUAN BOQUIG NHS, NAKAHANDA SA PATULOY NA PAGTAAS NG BILANG NG MGA MAG-AARAL

Kasabay ng pagbubukas ng klase, mahalaga ang maayos na paghahanda ng mga paaralan upang masigurong handa ang mga guro at estudyante sa panibagong school year.

Sa panayam ng IFM News, Ibinahagi ni Head Teacher III, Maria Merlinda P. Mariado ang naging paghahanda ng Bonuan Boquig National High School upang maging maayos ang unang araw ng klase.

Samantala, patuloy ding tinutugunan ng paaralan ang pagdami ng mga mag-aaral, partikular sa junior high school, habang nananatiling sapat ang mga silid-aralan upang ma-accommodate ang mga ito.

Sa kabila nito, nananatiling nakatuon ang paaralan sa pagbibigay ng maayos na learning environment para sa mga estudyante ngayong school year. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments