SOCE ng lahat ng kandidato, ipo-post na rin sa website ng Comelec

Ipapakita na rin sa website ng Commission on Elections (Comelec) ang Statement of Contribution and Expenditure (SOCE) ng lahat ng kandidato ngayong national at local election sa kauna-unahang pagkakataon.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, mas maganda kung makita ng ating mga kababayan ang mga nagastos ng lahat ng kandidato nanalo man o natalo.

Aniya, transparency ang nais ng komisyon lalo pa obligadong magsumite kahit walang ginastos, self-funded, o umatras sa kandidatura pero ang pag-atras ay hindi opisyal bago magsimula ang campaign period.

Paalala ng Commission on Elections (Comelec) sa lahat ng mga kumandidato na ang deadline ng pagpapasa ng statement of contribution and expenditure (SOCE) ay hanggang June 11, 2025 na lamang.

Facebook Comments