TRO sa NCAP, binawi ng SC —SolGen Guevarra

Kinumpirma ng Office of the Solicitor General (OSG) ang pagbawi ng Korte Suprema sa inisyu nila na Temporary Restraining Order (TRO) kaugnay sa implementasyon ng TRO.

Ayon kay Solicitor General Menardo Guevarra, wala pa silang natatanggap na kopya ng resolusyon sa ngayon.

Bago iyan, napaulat ang pormal na paghiling ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa SC na alisin ang TRO upang magbigay daan sa napipintong pagsasaayos ng EDSA na aarangkada sa June 13.

Ang TRO sa NCAP ay inilabas ng Supreme Court noong August 2022 matapos ang petisyon ni Atty. Juman Paa.

Bago ang TRO, umiiral ang NCAP sa Parañaque City, Valenzuela City, Muntinlupa City, Quezon City at Maynila.

Facebook Comments