Personal na nagsagawa ng inspeksyon ang Lokal na Pamahalaan upang tingnan ang progreso ng konstruksyon ng pasilidad na may sukat na 24 metro ang haba at 13 metro ang lapad.
Ang proyekto ay pinondohan sa ilalim ng Barangay Subsidy Program bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng suporta ng lokal na pamahalaan sa sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng pagpapabuti ng mga post-harvest facilities.
Inaasahang makatutulong ang Solar Dryer Pavement sa pagbawas ng pagkalugi ng mga magsasaka dulot ng pabago-bagong panahon.
Sa halip na magpatuyo ng ani sa gilid ng kalsada o sa mga bukas na lugar na madaling maulanan, magkakaroon sila ng mas episyente at ligtas na lugar na makatutulong upang mapanatili ang kalidad ng kanilang mga produkto at maihanda ang mga ito para sa mas mataas na halaga sa pamilihan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








