Thursday, July 30, 2026

Magsasagawa angLokal na Pamahalaan ng San Jacinto, sa pakikipagtulungan ng PamahalaangPanlalawigan ng Pangasinan, ng PhilHealth Yakap Registration GUICONSULTA+Program para sa mga kwalipikadong residente sa Hulyo 30 at Agosto 1, 2026.

Batay sa ulat, nakatakdang isagawa ang registration mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon para makapagparehistro ang mga residente.

Ang programa ay nakatuon sa pagpapadali ng pagpapatala ng mga residente sa PhilHealth Yakap Program, na naglalayong magbigay ng access sa primary care services sa pamamagitan ng mga accredited YAKAP clinics.

Para sa mga aplikanteng 18 taong gulang pataas, kinakailangang magdala ng National ID (Digital/ePhilID) at tatlong photocopies ng anumang valid government-issued ID.

Ang mga aplikanteng 16 hanggang 17 taong gulang ay kinakailangang may kasamang immediate family member at mga kaparehong dokumento.

Bahagi ang aktibidad ng pagtutulungan ng lokal at panlalawigang pamahalaan upang mapalawak ang access ng mga residente sa mga programang pangkalusugan at mapadali ang kanilang pagkuha ng mga kaukulang serbisyo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments