
Malabong mapalitan sa pwesto si Senate President Chiz Escudero hanggang sa pagtatapos ng 19th Congress.
Ito ang pahayag ni Senator Nancy Binay matapos matanong kung may kumausap na sa kanila tungkol sa pagbabago ng Senate leadership.
Ayon kay Binay, walang anumang pag-uusap tungkol dito at wala ring kahit na ugong.
Hindi na rin aniya kailangan palitan si Escudero dahil anim na araw na lang silang magdaraos ng sesyon o mula June 2 hanggang June 13.
Kung magkakaroon man aniya ng pagbabago, ito ay posibleng mangyari pa sa 20th Congress at hindi ngayong patapos na ang ika-19 na Kongreso.
Sa loob ng 12 taon ni Binay sa Mataas na kapulungan, karaniwan aniya ang pagbabago sa liderato tuwing magpapalit na ang Kongreso.
Facebook Comments