
Nanalo at naiproklama na bilang kinatawan muli ng Unang Distrito ng Leyte si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at proclamation sa kanya ay ginanap ngayong hapon sa New Capitol Building sa Palo, Leyte.
Bunsod nito ay nagpasalamat si Romualdez sa mga kababayan nya lalo na sa Tacloban City at tiniyak na mas lalo pang mas lalakas ang tinig ng Leyte sa Kongreso.
Sinigurado rin ni Romualdez ang patuloy na paghahatid ng proyekto, programa, at malasakit sa bawat barangay, bawat tahanan at pagsusulong ng pagbangon, pag-unlad, at maayos na pamamahala.
Samantala, nanalo at naiproklama na rin bilang kinatawan muli ng Ikalawang Distrito ng Pampanga si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa isang seremonyang ginanap sa new legislative building at the provincial capitol ng Pampanga.