Nagsagawa ng misting operation ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) katuwang ang Municipal Sanitation Office ng bayan ng San Fabian sa Brgy. Nibaliw Magliba noong Hunyo 19, 2026.
Ayon sa ulat, ngayong panahon ng tag-ulan ay maaari umanong magsilabasan ang mga lamok na nagdadala ng dengue.
Batay sa datos ng Department of Health–Ilocos Region, nakapagtala ang Region 1 ng 7,565 dengue cases at 25 deaths noong 2025, na mas mataas ng 41 porsiyento kumpara sa nakaraang taon.
Kaugnay nito, magpapatuloy ang misting operations sa iba pang barangay ng San Fabian para masigurong maiwasan ang pagdami ng kaso ng dengue sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








