Senado, tiniyak na pag-aaralang mabuti ang panukalang amyenda sa batas para labanan ang fake news

Sasailalim sa masusing pag-aaral ng Senado ang anumang panukalang amyenda ng Department of Justice (DOJ) sa mga batas na may kinalaman sa cyberlibel at iba pang cyber issues.

Kaugnay ito sa ginagawang pag-aaral ng DOJ ukol sa posibleng amendment sa mga umiiral na batas na layong labanan ang mga fake news na kumakalat sa social media.

Sinabi ni Senate President Chiz Escudero, wala talagang batas na perpekto, kumpleto at walang hangganan.

Hihintayin naman niya ang panukalang amyenda ng DOJ para masuri rin ng mataas na kapulungan at maaksyunan agad kung kailangan.

Sinabi naman ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na bukas siya sa panukalang amendments ng DOJ at maaari silang lumikha ng panibagong itatawag na krimen sa pagpapakalat ng maling impormasyon sa online lalo’t nauuso ngayon ang paggamit ng AI sa fake news.

Facebook Comments