STORMWATER HARVESTING FACILITY, ITATAYO SA LUNGSOD NG CAUAYAN

17
Cauayan City, Isabela- Nakatakdang ipatayo sa Lungsod ng Cauayan ang kauna-unahang Stormwater Harvesting Facility sa pakikipagtulungan ng LGU Cauayan, Isabela State University (ISU) at Department of Science and Technology (DOST).

Unang Isinagawa kaninang umaga, June 15, 2022 ang ground breaking ceremony sa SDG Park, Cauayan City, Isabela na dinaluhan ng mga City Officials ng Lungsod ng Cauayan, mga kawani ng ISU at DOST Region 2 at iba pang mga stakeholders.

Isinunod naman ang Memorandum of Agreement o MOA signing sa pangunguna nina Vice Mayor Leoncio “Bong” Dalin Jr., incoming City Mayor Jaycee Dy Jr; Carluz Bautista, SRS 2 ng DOST Region 2 at Mr. Orlando Balderama, program leader ng SWIM Program ng ISU.

Ang stormwater harvesting facility ay napagkasunduang itayo sa lungsod dahil na rin sa pagiging Smarter City nito, inobasyon at pag-adopt sa mga makabagong teknolohiya.

Sa pamamagitan ng nasabing pasilidad, mas mababantayan pa ang water infrastructure system sa Lungsod ganun din sa pag-evaluate sa urban storm water storage system at marami pang iba.

Target namang mabenipisyuhan sa nasabing proyekto ang LGU Cauayan City, mga mag-aaral ng State Universities and Colleges o SUCs, mga kumukuha ng Engineering courses at mga Laundry businesses.

Facebook Comments