Friday, June 5, 2026

Sandiganbayan 5th Division, pinayagan ang mosyon ni dating DPWH Sec. Bonoan na isailalim sa hospital arrest

Pansamanyalang inaprubahan ng Sandiganbayan 5th Division ang mosyon ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan na isailalim siya sa hospital arrest habang gumugulong ang kasong Plunder.

Sa inilabas na resolusyon ng Sandiganbayan 5th Division, ito ay dahil umano sa katandaan at sa umano’y “life-threatening” medical conditions” ni Bonoan.

Samantala, pinayagan naman si Bonoan ng dibisyon na ma-confine sa Philippine National Police General Hospital sa Camp Crame, Quezon City.

Gayunpaman, maaaring ilipat si Bonoan sa New Quezon City Jail sa Payatas oras na ideklara ng attending physician na ligtas na ang kalagayan ni Bonoan para i-discharge sa nasabing ospital.

Facebook Comments