SUNDALO, PATAY SA ENGKWENTRO KONTRA NPA SA ABRA

35
Cauayan City, Isabela- Isa ang kumpirmadong patay sa hanay ng kasundaluhan sa nangyaring engkwentro kontra sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA) nitong ika-9 ng Hulyo taong kasalukuyan sa Sitio Sap-al, Barangay Buneg, Lacub, Abra.

Sa ibinahaging impormasyon ni Capt Rigor Pamittan, pinuno ng Division Public Affairs Office ng 5ID, PA, bago ang insidente, nagsumbong ang mga residente sa kasundaluhan kaugnay sa presensya ng mga makakaliwang grupo sa kanilang komunidad.

Agad namang nagsagawa ng security operations ang mga sundalo sa nasabing lugar at nakumpirma na mayroong mga miyembro ng makakaliwang pangkat.

Dito na nag-ugat ang sagupaan sa pagitan ng militar at NPA na nagresulta sa pagkamatay ng isang sundalo sa ilalim ng 24th Infantry Battalion.

Kasalukuyan naman ang hot pursuit operation ng militar sa mga nakasagupang rebelde.

Inaalam na rin kung may nalagas sa panig ng kalaban ng gobyerno.

Facebook Comments