TAAS SINGIL SA KURYENTE, MARARAMDAMAN NGAYONG ABRIL

Inaasahang mararamdaman ang taas singil sa kuryente ngayong Abril matapos itaas ng DECORP ang kanilang average selling rate sa ₱10.93 kada kilowatt-hour mula sa ₱10.03 noong nakaraang buwan.

Ayon sa kumpanya, pangunahing dahilan ng pagtaas ang mas mahal na singil sa kuryente mula sa Wholesale Electricity Spot Market o WESM, dagdag na transmission charge ng National Grid Corporation of the Philippines, at epekto ng paggalaw ng foreign exchange.

Para sa karaniwang pamilyang kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan, katumbas ito ng halos ₱0.90 na dagdag sa bawat kilowatt-hour sa kanilang bill.

Nilinaw naman ng DECORP na hindi pa rin nagbabago mula pa noong 2015 ang kanilang distribution, supply, at metering charges.

Sa kabila nito, hinihikayat ng kumpanya ang publiko na magtipid sa paggamit ng kuryente upang makontrol ang gastusin sa bahay

Facebook Comments