Taguig Integrated Terminal Exchange, inaasahang magiging operational ngayong 2028

Pinasinayahan ngayong araw ang groundbreaking para sa Taguig Integrated Terminal Exchange (TCITX).

Ang nasabing groundbreaking ay pinangunahan ng Department of Transportation, Department of Public Works and Highways, at lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Taguig, kasama na rin ang ilang private sector at developer ng nasabing proyekto.

Ayon sa DOTr, inaasahang 160,000 na motorista ang makikinabang sa nasabing proyektong ito.


Inaasang magiging operational ang TCITX sa 2028.

Kaakibat dito, nagbigay abiso rin ang TCITX sa mga motorista na iwasan ang pagdaan bahagi ng East Service Road sa Barangay West Bicutan, Taguig City sa Arca South King, mula ala-una ng hapon, kung saan isinasagawa ang groundbreaking ceremony ng TCITX.

Facebook Comments