
Patuloy pang kinukumpirma ng Office of Civil Defense (OCD) kung may kaugnayan sa aktibidad ng Bulkang Kanlaon ang pagkamatay ng 9-buwang gulang na sanggol sa Region 6.
Ayon kay OCD Administrator Usec. Ariel Nepomuceno, may respiratory problem ang sanggol mula sa Sitio Old Fabrica, Brgy. Cabagnaan, La Castellana, Negros Oriental.
Sinabi pa ni Nepomuceno na ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ang magsasagawa ng masusing validation upang matukoy ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng sanggol.
Kabilang sa titingnan ay kung may kinalaman ang ash content sa hangin sa naging kondisyon nito.
Samantala, patuloy ang monitoring ng mga awtoridad sa sitwasyon ng Bulkang Kanlaon at ang posibleng epekto nito sa kalusugan ng mga residente.