Nagpapatuloy pa rin ang mga isinasagawang National ID Registration ng Philippine Statistics Authority Pangasinan sa lalawigan.
Sa huling tala, nasa 2.7 milyong Pangasinense na ang rehistrado para sa National ID na siyang ginagamit sa iba’t-ibang transaksyon na nangangailangan ng kumpirmasyon ng pagkakakilanlan.
Tuloy-tuloy naman ang schedule mula ngayong kahapon; Abril 28 hanggang 29, at 30, 2026 sa bahagi ng Calasiao, Asingan, Alaminos City, Sual, Umingan, San Carlos City, Lingayen, at Bayambang.
Natapos nang makapagsagawa ng registration sa naka-schedule na ilang barangay ng mga bayan at lungsod na nakasaad.
Ang lalawigan ng Pangasinan ay kabilang sa nangungunang nakakapagtala ng bilang ng mga registrants at aktibong isinasama ang National ID sa mga transaksyon at serbisyong nangangailangan ng pagkakakilanlan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







