Saturday, September 5, 2026

AGNO RIVER SA SANTA MARIA, PATULOY NA MINOMONITOR MATAPOS ANG SAN ROQUE DAM RELEASE

Patuloy na minomonitor ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO) ang Agno River sa Santa Maria kasunod ng paglalabas ng tubig mula sa San Roque Dam.

Kabilang sa mga isinagawa ng mga tauhan ng LDRRMO ang on-ground monitoring na nakatutok sa pag-assess ng lebel ng tubig, bilis ng agos, at kondisyon ng mga pampang.

Ayon sa tanggapan, partikular na binabantayan ang anumang pagbabago sa kondisyon ng Agno River na maaaring magdulot ng banta sa mga residenteng nakatira malapit sa ilog at sa mga mabababang lugar.

Matatandaang sinabi ni Ma. Teresa Serra, Acting Manager ng NPC Dams Management Department na kabilang ang Santa Maria sa mga bayan na dadaanan ng release mula sa San Roque Dam. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments