Tambalang Lacson-Sotto, ikinatuwa ang maraming natatanggap na suporta sa Eastern, Central at Western Visayas

Ikinagalak nina presidential candidate Senador Panfilo “Ping” Lacson at ng kaniyang ka-tandem na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang marami nilang natatanggap na mensahe ng pagsuporta mula sa mga residente ng iba’t ibang lugar sa Visayas kabilang na ang Eastern, Central at Western Visayas.

Ayon kay Lacson, hindi siya makapaniwala sa ipinakitang buong suporta ng mga kababayan natin sa iba’t ibang lugar sa Visayas at Mindanao.

Matatandaan na nitong Martes, ipinagkibit-balikat na lamang ni Lacson ang lumabas na resulta ng Pulse Asia na nagsasabi na 2% lamang ang kaniyang nakuha na suporta at zero sa Visayas at Mindanao.


Sinabi ni Lacson na mas minabuti niyang maghintay na lamang sa resulta ng eleksyon sa May 9.

Muli namang nanawagan si Lacson sa kaniyang supporters na gamitin ang kanilang karapatang bumoto sa darating na halalan sa Lunes.

Facebook Comments