Tapatang Gilas Pilipinas vs Jordan, kasado na mamaya

Susubukan ng Gilas Pilipinas na tapusin sa pamamagitan ng panalo ang huling window ng FIBA World Cup Qualifiers.

Mamaya, magtutuos ang Gilas at ang Jordan alas-6:00 ng gabi sa Philippine Arena.

Noong Biyernes, unang tinalo ng Gilas ang Lebanon na nagtapos sa score na 107-96 sa pangunguna ni Justin Brownlee na may 17 points, 4 rebounds at 5 assists.


Pero kahit ano ang resulta ng laban mamaya ay sigurado na ang paglalaro natin sa World Cup lalo na’t isa tayo sa host sa darating na Agosto.

Sa ngayon, 6-3 ang kartada ng Gilas na nasa group e habang 5-4 naman ang Jordan at 7-2 ang Lebanon.

Sa huling pagtatapat ng Gilas at Jordan ay tinalo natin sila sa kanilang sariling homecourt na nagtapos sa score na 74-67.

 

Facebook Comments