Pulis na kabilang sa mga most wanted person, arestado sa Maynila

80

Arestado ang isang pulis na kabilang sa mga most wanted person ng Manila Police District (MPD) Station-8 sa lungsod ng Maynila.

Nakilala ang nadakip na si P/Cpl. Richard Antonio, 32-anyos na residente ng 4738 Interior 16 Ang Buhay Street sa Sta. Mesa.

Nabatid na si Antonio ay dating nakatalaga sa District Personnel Holding and Accounting Section (DPHAS) ng MPD pero nag-AWOL ito sa trabaho.


Nsakote ang wanted na pulis habang nakatambay sa harap ng Barangay Hall sa Brgy. 597 Zone 56.

Nahaharap si Antonio sa kasong paglahag sa R.A. 10883 o New Anti-Carnapping Law sa RTC Branch 54 sa lungsod ng Maynila.

Facebook Comments