TATLO KATAO, TIMBOG SA MAGKAHIWALAY NG BUY-BUST OPERATION SA ILOCOS REGION

Sakote ang tatlong kataong sangkot sa iligal na droga mula sa Pangasinan at Ilocos Sur.

Sa Urdaneta City, Pangasinan, naaresto ang 40 anyos na babae, na tukoy ding street level individual sa usaping droga. Nakuha mula rito ang 20 gramo ng hinihinalang shabu at nagkakahalaga ng abot P136, 000.

Tiklo rin ang dalawa pang katao sa Narvacan, Ilocos Sur matapos mahulihan ang mga ito ng 14.8 gramo ng hinihinalang shabu at nagkakahalaga ng P100, 640.

Pinaiigting pa ngayon ng Police Regional Office 1 katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency ang kampanya kontra droga sa buong Rehiyon Uno. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments