Sugatan ang isang rider at backrider nito matapos mawalan ng control sa minamanehong motorsiklo sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Bued, Binalonan, Pangasinan.
Kinilala ang driver na isang 30 anyos na lalaki sakay ang 29 anyos na backride at isang dalawang taong gulang na anak.
Base sa kuha ng CCTV, iniwasan ng driver ang isang aso na biglang tumawid sa kalsada dahilan upang mawalan ito ng control sa motorsiklo.
Sugatan sa insidente ang dalawa habang ligtas at wala namang galos ang dalawang taong bata.
Nasa kustodiya na ng Binalonan MPS ang napinsalang sasakyan para sa tamang disposisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments