Tatlo, napaulat na nasawi sa pananalasa ng Bagyong Florita – NDRRMC

99

Tatlo na ang napaulat na nasawi sa pananalasa ng Bagyong Florita.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), dalawa rito ang kumpirmadong nasawi kabilang ang isang 63-anyos na lalaki sa Cagayan na nabagsakan ng puno noong kasagsagan ng bagyo.

Ang pangalawang casualty ay isang 56-anyos na lalaki mula Kalinga na nabagsakan din ng puno at namatay dahil sa skull fracture.


Habang bine-verify pa ng NDRRMC ang pagkasawi ng isang 32-anyos na lalaki mula sa Camarines Sur dahil sa pagkalunod.

Maliban dito, apat pa ang napaulat na nasugatan matapos ding mabagsakan ng puno.

Wala namang naiulat na nawawala.



Facebook Comments